Pinoy Nga Naman…

Dahil lagi nalang kasi ang mga nami-miss ko sa bayan ko ang naiisip ko kaya lalo akong nalulungkot sa aking pagkalayo. Ano naman kaya kung ang mga hindi ko nami-miss ang pagtuonan ko ng pansin…

Dito sa Winnipeg, maliliit ang kalsada, pero and tinatawag nilang “traffic” ay ang ilang minuto kang usad pagong sa daan. Sa Pilipinas, ang “traffic” ay ilang oras kang hindi gumagalaw sa edsa. Para ka makarating sa patutunguhan mo, ilang minuto ka pang makakatulog sa kotse o sa bus at sa pag gising mo andun ka pa din.

Kahit noong hindi pa ako nakakarating dito sa Canada, ayoko nang lumalabas ng kwarto dahil sa tindi ng init sa labas. Ano pa kaya ngayong sanay na ako sa lamig. Baka pag umuwi ako malusaw na ako sa init.

Pag bumabyahe kme sa kalsada dito, tinitignan ko mga tambutso ng mga sasakyan. Umuusok sila dahil malamig sa labas at mainit ang binubuga ng tambutso. Pero wala akong nakitang sasakyan na maitim ang usok. Sa Pilipinas, kahit siguro tanggalin mo lahat ng mga pribadong sasakyan sa kalsada, mausok pa din dahil sa mga bus, jeep at fx na puro itim ang binubuga ng tambutso. Parang walang silbi ang “no smoke belching campaign” na inilabas ng gobyerno ilang taon na ang nakalipas dahil mas madami pa ring smoke belcher sa hindi.

At hindi lang maduming hangin ang problema natin, kung titingin ka sa paligid, parang isang malaking basurahan ang kalsada natin. Ang mga sapa at estero, barado na! Kaya naman tayo na o-ondoy e dahil wala nang madaluyan ang tubig!

At ang malaking ipinagtataka kong talaga ay bakit ba ang mga Pilipino pag nangibang bansa na ay parang mga anghel na hindi marunong lumabag sa batas? Bakit sa Pilipinas pag may nakita kang “Bawal magtapon ng basura dito” mas maraming mga naka tambak dito? Pag may nakita kang “Bawal tumawid, nakamamatay” parang nadodokleng ang mga pinoy at sige pa din ang tawid? Pero sa ibang bansa, di nila kayang hindi sumunod sa batas, mapa trapiko pa to o kahit sa pila sa mall, ang babait!

Baka nga pag ganito na ang nakasulat sumunod na mga Pinoy…

Posted with WordPress for BlackBerry.

Advertisements

TALK TO ME...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s