Pam-pelikula!

Ang buhay natin parang pelikula. Siyempre ako ang bida sa salaysayin ng buhay ko at ang mga camera nakatutok lang sa akin.

Minsan parang drama-rama sa hapon, ala Flor de Luna, Anna Lisa at Mara Clara. May marinig lang na kanta na malungkot, parang dinudurog na ang puso at on cue and luha sa kaliwang mata lang na gugulong sa pisngi habang nakatingin sa malayo na tila may tinatanaw. Pag may makita o mapanuod sa tv, may maamoy na pabango o pagkain, na magpapagunita ng mga malulungkot na alaala, parang may flashback na magaganap na may kasama pang background music habang naiisip ang mga sandaling nakaraan.

Minsan naman parang comedy lang. Ala slapstick ba kung saan may pag-plakda sa nagyeyelong kalsada, o pagtilapon ng sapatos sa harap ng madaming tao, at kahit napapaso na ang mga tenga sa kahihiyan, wala nang magagawa kundi tawanan nalang ang sarili at mag kunwaring nagpapatawa ka lang talaga. Anjan din ung wholesome comedy kung saan makikipaglaro sa napaka cute na aso na tila nabubuang sa paghahanap ng mga laruan niya at tatahol pa para tawagin ka at magpatulong pag di niya maabot ang gusto niya.

May action din. Habang nagmamadali sa papasok sa opisina, makakalimutang madulas ang kalsada, at dahil mejo mabilis ang takbo sa pag liko, hindi kakapit ang gulong at dire-diretsong iikot na parang trumpo ang sasakyan. At habang umiikot ang kotse na tila slow motion sa pagkawari ko, pinagdadasal nalang na sana walang  tamaang ibang kotse.

Lahat tayo may kanya-kanyang drama, comedy at action movie, samahan mo pa ng suspense, horror at mala documentary na kwento. Pero pag um-extra ako sa lifestory mo at natapos ang eksena ko, hindi ibig sabihin nun ay uupo lang ako sa trailer ko na may nagrere-touch ng makeup o magpapalit ng costume habang hinihintay ko ang susunod na eksena ko. May sarili akong buhay na patuloy na nag ro-roll ang camera. Walang director na sumisigaw ng lights, camera, action at cut. Hindi ako high paying actress na may contrata na tulungan ka sa mga drama mo sa buhay dahil kung ako lang ang masusunod, hindi kita kukunin kahit extra sa blockbuster movie ng buhay ko (kaso wala akong choice). Mas diva ka pa sakin noh!

Ang title ng chapter ng buhay ko na extra ka ay… “Nang dahil sa Flower Vase!”

Advertisements

TALK TO ME...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s