pinoy

Matagal na din pala kami dito sa Canada. Isang buwan nalang at may isang taon na din kaming nangungulila sa mga yapos at kalinga ng aming pamilya (naks). Pero Amazing diba dahil kahit papano, nakatagal kami.

Sa labing isang buwan namin dito, 10 buwan naman kaming namamasukan sa opisinang una naming inaplayan. Parang ang tagal na din, pero kung ikukumpara sa tagal namin sa mga iniwan naming pinagtatrabuhan sa pilipinas, wala pa din sa kalingkingan. Pero dahil wala kami sa pinas, napaka swerte pa din namin dahil hindi kami nahirapang maghanap ng trabaho at nandito pa din kami hanggang ngayon.

Sabi nila madali lang daw makahanap ng trabaho dito. Siguro nga kung di ka namimili ng papasukan. Ngunit kung ang hanap mo ay yung kapareho ng pinapasukan mo nung nasa pilipinas ka pa, medyo kailangan mo ng madaming pera dahil matatagalan bago ka maka jackpot ng gusto mo. Dahil kahit naka double major ka, nag masters at nag doctorate ka pa sa UP, Ateneo o LaSalle, hindi uubra ang bango ng credentials na yan pag nag hanap ng trabaho dito. Ang mga doctor na halos 10 taong nagsunog ng kilay sa mga pinaka magagandang kolehiyo, nag practice ng medisina ng 10 taon pa ulit at may sarili ng klinika sa pilipinas, pag dating dito kailangan pa ulit mag aral at makakuha ng degree na galing sa Canadian university para lang makapag gamot dito. Meron ngang naikuwento sa amin tungkol sa mga doctor sa pilipinas pero ang trabahong nakuha dito nag fi-flip ng burger sa burger joint.

Nakakalungkot lang isipin dahil kahit anong galing mo, kahit anong ganda ng transcript mo, kahit gaano katagal at kataas na ang naging position mo sa work experience mo, walang saysay at kasiguraduhan iyon na makakakuha ka ng trabaho dito. Kaya hanga ako sa mga pinoy na OFW na nangahas lang na mangibang bansa para maghanap ng swerte nila dahil alam kong napakahirap nun.

TALK TO ME...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.