…bakit sandali ka pa lang nagsusulat, masakit na kamay mo sa ballpen?
Dati, walang computer o laptop, may typewriter nga, manual naman pero di ka nagrereklamo…
…bakit parang mamamatay ka pag naiwan mo ang cellphone mo sa bahay?
Noon naman’y landline lang ang meron, minsan may party line o cross line pa, pero nabuhay ka naman…
…bakit wala nang mga nag bebenta ng 24 volumes ng Encyclopedia Britannica?
Lahat sa Wikipedia at Google na hinahanap, wala na din masyadong nagpupunta sa Library para mag research…
…bakit parang wala nang mga naglalaro ng patintero at tumbang preso sa mga kalye?
Lahat nasa harap ng computer naglalaro o nag fe-facebook nalang…
…bakit nagagalit ang mga tao pag hindi nakakatanggap ng message o email araw araw?
Dati maghihintay ka ng ilang araw para makakuha ng liham mula sa kartero…
Tunay ngang malaki ang pinagbago ng mundo dahil sa teknolohiya. Maaaring para sa ikabubuti at ikaaayos ito ng sangkatauhan.
Sana lang ay huwag nating kalimutang isipin na nabuhay din tayong alipin ng kawalan nito, ngunit nakatawid naman tayo.
Technology is here to help us live easier lives, not run it for us…
Tamang tama lahat ang sinabi mo!
so true